Lunes, Pebrero 28, 2011

Talambuhay ni Jimmy Abracia Labaguez Jr.

Ako ito
      Ako si Jimmy Abracia Labaguez labing anim na taon gulang at pinanganak ako Noong November 13,1994.Nakatira ako San Lucas 1 San pablo City, at ang aking magulang ay sina Emily Labaguez at Jimmy Labaguez Sr. sila ang nagpaaralan sa akin,nag tiyaga sila upang pag-aralin ako.Siyam kaming magkakapatid ang panganay kong kapatid ay si Marlyn siya aqy may asawa na ngayon at may isang anak,ganun din ang aking pangalawang kapatid na si Jenilyn at ang pangatlo kong ate ay si Gigi siya ay nagtatrabaho na ngayon,ganun din ang kuya ko si Jeffrey at ako naman sumunod.Sumunod naman ang pang-anim kong kapatid na si  Jericson na nag-aaral sa anim na baitang ng Elementarya.Sumunod si Resthony siya ay ika-lawang baitang ng elementarya,si Mark Anthony naman ay Day Care.Sumunod naman si Oliver isang taong gulang.                                                                                                                                   Noong ako ay bata pa ang aking laging kalaro ay si Ryan mabait siya pero minsan salbahe sa Magulang at ngayon ay nag kahiwalay kami,napapunta siya sa Visayas.Noong ako ay Grade 4 kami ay naligo sa Ilog na hindi ko makalimutan kasi muntik na akong malunod,dahil akala ko ay mababaw lang.
         Noong ako ay Grade 5 nag away ang aking Ina at Ama hanggang nag hiwalay sila.Ngayon ang nag papa-aral sa akin ang aking Kapatid  na panganay at naging masaya kami kahit hindi kami kumpleto.                                                                                               Noong kami Grade 6 hindi ko pa masyado kilala ang mga kaklase ko, pero lagi nila akong kinakausap hanggana naging kaclose ko sila.Noong Graduation tuwang-tuwa ang aking Magulang dahil ako ay gagraduate na.Nang kumanta na kami ng Farewell ako ay  napaiyak dahil magkakahiwalay na kami ng aking mga kaibigan na sina        Kim,Ronaldo,Ivan,Julius,Mikko,Alex,Allan,Mae,Mark,Joseph,Shairmaine,Shiela,Michelle,Rose Ann at Daniel.Pag katapos noong nag ka meron kami ng swimming sa Country Side naging masaya kami dahil kumpleto kami ng  aking mga kaklase.

Ako at ang aking kaibigan
Nang kami ay ng nag Temple Trip
Nang kami ay nag Temple Trip
          Ako ay nag High School sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School.            Noong ako ay nag First Year wala pa akong ka close dahil ako ay tahimik ngunit noong nagtagal naging maingay na din ako dahil sa aking mga naging kabarkada.Nag punta kami sa bahay ng aking kaklase dahil Birth Day nya.Ang kulit nga ng kanyang ama dahil lasing na ito.Napag kamalan pa ako na nanliligaw kay Jane dahil ka close na ka close ko siya.                                                                                                                           Noong ako ay nag Second Year  nag kahiwa-hiwalay kami ng aking mga kaibigan may napataas at na pababa ng Section.Nakilala ko sina Jordan at Teody sila ang naging kabarkada ko ngunit hindi nag tagal ayng aming pakakaibigan dahil pinipilit nila ako na manigarilyo kaya ako ay lumayo sa kanila.Nakilala ko naman si Frankie siya ang naging kasama ko puro kame kalokohan walang araw na di kame natawa pag kasama ko siya.            Noong ako naman ay nag Third Year naging kabarkada ko sina Anicris,Norine,Leianne,Rochelle at Riza Joy lagi kameng nasa Sampaloc Lake nagbabike lalo naging mas magulo ng makilala ko sila at lalong naging masaya.Hindi nagtagal nag kaaway-away kame dahil sa hindi pag kaka-unawaan.Nakilala ko naman ang isang Cute na babae na si Rose Ann Cortez naging ka close siya kasi Joker siya lalo na sa time ng Aralin Panlipunan lagi kameng kumakain ng Ding-Dong.Naging ka close ko din si Crissa at Janica binansagan nila ako ng ''Cobra'' at binansagan ko din sila ng ''Kite''.Lagi kaming nag aasaran ni Rose Ann at nag kakal-mutan dahil parehas na mahaba ang aming mga kuko.Puro sugat ang inaabot ko sa kanya.Nakilala ko din si Jamaica siya ay nag baback Subject sa Math makulit  din siya at puro tsismis sa umaga hindi kami nakikinig sa aming Guro kundi sa mga chika niya sa amin.At ng mag JS na angf dami kong naisayaw na mga kaklase ko pati na rin si Jamaica Party Party kami ng gabing iyon.                                          Noong ako naman ay nag Fourth Year nakilala ko naman si Melanie siya din ay naging kabarkada ko.Maraming napadagdag sa 4g  si Norine at Rochelle ang hindi napalipat ng section nabawasan ang makukulit at marami pa akong nakilala na galing sa ibang section.Ngaun JS naman ay medyo tinamad ako mag sayaw hindi  ko alam kung bakit dahil siguro nahiya ako kay Rose Ann dahil ang Cute nya bumilis ang tibok ng heart ko.Isinekreto ko na lang dahil nandoon ang kanyang boy friend na si Allen Himor na naging karibal at kaklase ko noong 3rd Year.Nang nag tagal naging masaya na din ako dahil nakasayaw ko si Rose Ann.

Linggo, Pebrero 27, 2011

Talambuhay ni Margie M. Lotitud

Picture ko noong nag J.S
                                  Ako si Margie Macabenta Lotitud labing  limang taong gulang ipinanganak noong ika-25 ng setyembre taong 1995 sa San Francisco Calihan.At kami ngayon ay kasalukuyang naninirahan sa  Brgy. Sta. Monica.Ang aking mga magulang ay sina Marife Macabenta Lotitud at Raul Punayo Lotitud, at ako ay may apat na kapatid, ang panganay ay si Jennifer, sumunod si Hajie, ang pangatlo ay si Jay, pang-apat ako samin at ang bunso ay si Justin. Ang trabaho ng aking ama ay isang mekaniko, samantalang si mama naman ay sa bahay lamang.

                                 Ako at ang aking mga kapatid ay namulat sa katamtamang pamumuhay lamang. Ang Ate ko ko nakagradruate naman ng highschool ngunit hindina nakapagpatuloy ng kolehiyo. Si Hajie at si Jay naman ay hindi na pumasok dahil tinamad na.Ako na lang ang napasok sa amin.

                                 Noong elementary ako, alagang-alaga pa ako ni mama, kasi ako palang ang bunso.Nag-elementary kami sa Ambray Elem.School, pero nung lumipat kami sa Sta. Monica napalipat din kami sa Bagong Lipunan Elem. School ni Jay. Noong pagkagraduate ko ng grade6, nagenroll ako sa Col.Lauro D.Dizon Memorial NHS. Hindi sa akin naging madali ang pagiging highschool, dahil first year palang ako at hindi pa ako sanay sa mga taong nakapaligid sakin.

Ako at ang aking bestfriend 
                                 Pero nung 2nd year na ako, nasanay na din ako.Lagi kong kasama si Krystal. Si Krystal ay kaklase ko nung first year, pero naging close ko lang sya nitong 2nd year na kami. Madami kaming nakilalang mabuting kaibigan, isa na dun si Alyza also known "Garay", dahil yun ang apelyido nya. Nasanay na kami na yun ang itawag sakanya. Doon ko rin naramdaman na crush ko sya, hirap paniwalaan kasi nga babae sya pero un ang totoo.

                                 Noong 3rd year naman ako, naging 3-g na kami ni Krystal kaya hindi na namin  sya naging kaklase. Nakasama namin si Charissa at naging bestfriend, kaklase na namin sya nung 2nd year pero hindi namin sya naging close. Pero kahit na hindi na namin kaklase si Alyza lagi pa rin kaming my time na magkasama. Month of October may nakilala kaming lalaki pero bata pa, Aldrian ang pangalan nya first pa lang kaya medyo isip bata pa. Nanligaw sya sa akin, sinagot ko naman because of the promice, may usapan kasi kami nina Krystal na once na magka-bf ang isa man sa amin ay dapat meron ang lahat. Kaya sinagot ko si Aldrian kahit di ko mahal, pero natutunan ko din syang mahalin, kahit na nagka-bf na ako crush ko pa rin si Garay. Month of November, nagbreak kami hindi pa kami nakaka-one month, nasaktan din naman ako yun nga lang hindi grabe.
Picture namin noong J.S

                               Naging masaya din sa akin ang 3rd year,dahil dun ko narealize na masaya nga talaga ang buhay highschool. Month of April umuwi si Ate, galing pampanga kasama nya yung bf nya na si Kuya Ken. Naligo kami sa Dolores kasi Mahal na Araw, ang saya nga eh naging memorable sakin yun.

                              Fourth year na ako ng malaman namin na buntis si Ate, nagalit si Papa noon ng malaman nya. Pero wala na syang magagawa nangyari na yun eh. Masyado ng seryoso ang level na ito kasi graduating na ako. Ayaw ni Papa na magaya ako kay ate kaya hangga't  maaari binabantayan nila ako. Novenber 30, nanganak si Ate lalaki ang anak nya, John Xhier Azhland ang pangalan. Noong Pasko hindi umuwi si Ate kasi kapapanganak palang nya.

                              January 15, fiesta ng bayan dito sa San Pablo. Naggala kami nina Hajie, kasi madaming palabas sa plaza. Nakipagmeet sa amin si Garay, gusto kasi nyang makita si Hajie. Nakita namin sya sa may puno ng mangga sa may Simbahan. It's already 7:00 na ng gabi, nanood kami ng Fireworks display, sabi sa akin ni Garay " first time kong manood ng Fireworks display,ikaw pa ang kasama ko".Ang saya ko noong araw na yon, kasi sya ang kasama ko nung una ko yung napanood. Wish ko na sana maulit pa yun, pero parang malabo na. Hilig kong magsulat sa Diary , simula nung first year kaya lahat ng nangyayari sa school sinusulat ko. Pero di ko naman pinangarap na maging author, dahil ang pangarap ko ay maging isang teacher.

                             Month of  Febuary, excited ang lahat di dahil malapit na ang Valentines day kundi malapit na ang J.S. Sumali kami ni Krystal, Hawaiian dapat ang damit ayaw nga namin nung una kasi mas pamilyar kami sa Cocktail dress. Pero yung araw na ng J.S, pagpasok namin sa Gym ang ganda pala. Naging memorable yun sa akin, kasi ang dami naming mga pictures.

                            Ngayon, malapit na ang graduation parang ayaw ko pang gumaraduate, kasi ang dami kong mamimis sa pagiging estudyante ng Dizon high. Pero kailangan kong tuparin ang aking mga pangarap.

Huwebes, Pebrero 24, 2011

Ang Talambuhay ni Norine D. Autida

          Ako si Norine Dumandan, Autida Ipinanganak ako sa Davao City, dalawa kami magkakapatid at ako ang bunso. Lumipat kami dito sa Laguna ng ako'y ay dalawang taon pa lamang, nagkaroon agad ako ng mga kaibigan, dito ko rin nakilala ang bestfriend ko at dito rin ako nagsimulang mag-aral mula kinder hanggang highschool.

          Nang ako ay nag elementary lagi kaming naglalaro ng mga kaklase ko. At ang hindi ko malilimutang araw ng ako'y nakapagtapos ng Elementarya. Naiyak ako dahil magkakalayo kami ng mga kaibigan ko at nong kami ay nag Highschool nagkalayo-layo na kami. hindi ko na sila nakita. Pero may mga bago akong kaibigan nang ako tumungtong ng 2nd year. Dito ko nakilala ang mga matalik kong kaibigan na sina. Rochelle, Lei Ann, Anicris, Riza joy, lagi kaming nagkakasundo kung saan ang galaan. At lagi din kaming masaya kapag kami magkakasama. Nagpatuloy ang aming pagkakaibigan ng kami ay nag 3rd year. Dito namin lubos nakilala ang isa't-isa dito rin namin nalaman ang mga ugali ng isa't-isa.

          Ang hindi ko malilumutan na napuntahan namin magkakabarkada. Ay ang pag-punta namin sa baghay ni Rochelle sabay-sabay kaming kumain at namasyal din kami sa ilog. Dahil malapit sila sa ilog hindi ko rin makalimutan ang pag-punta namin sa bahay ni Lei Ann. Pinasyal din nya kami sa kanila. Tila naging bata ulit kami sa panahon na iyon. Naglalaro kami naghabolhabolan sa malawak nilang bakuran. Nagtagutaguan din kami nun ang saya-saya namin. Ang pinaka hindi ko malilimutan ay ang pag-punta namin sa bahay ni Riza Joy. pinasya din nya kami sa kanila at umakyat kami sa bundok. Ang ganda ng mga tanawin. Para hindi namin malimutan ang araw na yun inukit namin ang aming mga pangalan sa puno. Ala-ala namin iyon at tanda ng aming true friends.

          Nang nagbakasyon na doon lang kami hindi nagkakitaan. Dahil sila ay may kanya-kanyang pupuntahan sa bakasyon. Si Rochelle sa Quezon, si Lei Ann sa Bicol, Si Riza Joy sa bahay ng lola nya. at si Anicris naman don sa bahay ng tita nya. At ako nagbakasyon sa Davao kasama ko ang buong pamilya ko. Bumalik ako kung saan ako pinanganak. Nakilala ko ang aking mga pinsan at nakita ko rin ang aking lola at lolo sa side ng papa ko. Pinasyal nya ako sa kanilang bukid. Nakilala ko ang mga kaibigan ni papa mga kapatid nya at pinsan nya. Pinaghanda kami ng mga pagkain pinasyal din ako ng mga pinsan ko naligo din kami sa dagat. At ang hindi ko malilimutan na napuntahan don sa may bahay ng tiya ko. Malapit sila sa may bundok umakyat kami sa bundok. Nakita ko ang mga tanawin sa Davao napakaganda. 


          Hindi ko malilimutan ang pagbabakasyon namin doon at nasabi ko sa sarili ko na sana maulit muli ang pagbabakasyon namin doon. Nong kami ay paalis na malungkot talaga ako umiyak ang lola ko at di ko na pigilang umiyak dahil kahit sandali lang kaming magkasama namimis ko sila. Bumalik ulit kami dito sa Laguna. Endrolment nun. At doon namin nalaman na hindi na kami magkakaklase muli ng mga kaibigan ko.

         At noong nagpasukan na nanibago ako dahil nasanay ako na kaming lima ang mag-kakasama pero kami na lang ni Rochelle ang magkasama ngayon. Pero kahit hindi kami mag-kakaklase lagi parin kaming magkakayaan kung saan ang trip. namin. At ngayon matatapos na kami sa pagiging Highschool namin. Panibagong yugto naman ng buhay namin panibagong tao ang makakasalamuha panibagong lugar na naman ang pupuntahan pero ang masasayang kwento at magagandang alaala ay hindi ko malilumtman.

Ang Talambuhay ni Rose Ann Tabora Cortez

Ako si Rose Ann T. Cortez noong ako ay 1 year old
  Ako si Rose Ann Tabora Cortez also known Arzie,Roxanne,Embo. Nakatira sa San Crispin San Pablo City. Ipinanganak noong September 24, 1993 ang aking Ama ay si Willie Cortez at ang aking Ina ay si Irene Cortez. Ang aking kapatid na panganay ay si Raiza Cortez, siya ay nagtatrabaho sa Samsung, at ang aking kuya ay si Mark Christopher Cortez nagaaral sa paaralan ng Daluhasaan Lungsod ng San Pablo. Noong ako ay Grade 1 kapag ayoko ng subject ay tinutulugan ko ang aking Guro at naranasan ko na mawisikan ng tubig sa mukha.. Noong ako ay Grade 3 kapag maingay ang aking mga kaklaseng lalake ay hinuhubuan ng aking Guro, pagkatapos ay papupuntahin sa unahan at sasabihin sa aming mga babae ay close your eyes pero hindi naman kami nakatakip ng mata. Noong ako ay Grade 5 ay naranasan kong makipagsabunutan sa aking kaklase, dahil sa sobra niyang arte napagalitan tuloy ako ng aking Guro. Noong ako ay makatuntong ng Grade 6 ay excited agad akong gumraduate, dahil makakapasok na ako sa Bayan. Noong graduation na ay tuwang-tuwa ang aking magulang dahil ako ay gagraduate na. may halong lungkot at saya ang aking nararamdaman, masaya dahil gagraduate na ako, malungkot dahil mahihiwalay na ako sa aking mga kaibigan at mamimiss ko ang happy memories sa aming paaralan.


Ako at ang aking Pamilya
   Naghigh School ako sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Noong ako ay nag First year ay nahihiya akong pumasok dahil sa aking kaklase, nalaman ko kasi na may gusto siya sa akin. nahihiya din ako sa kanya dahil gusto ko din siya, pagnakikita ko siya ay para bang buo na ang aking araw. Sinabi ko nga sa aking Ama at Ina na nagkakacrush na ako, hindi ako nahihiya sa kanila dahil close na close naman kami. ang sinabi lang nila sa akin ay pagaaral muna ang aking asikasuhin.

Ako at ang aking mga Pinsan kasama ang aking Ina
Picture ko na nakain ng Pizza
       Noong ako ay mag Second year ay naranasan kong maligawan ng personal, noong una ay nahihiya ako at kinakabahan kapag kasama ko siya. Pumunta siya sa bahay namin para doon manligaw, ayoko pa nga siyang papuntahin kasi baka ako ay mapagalitan ng aking Ama. Naging boy friend ko na siya, sinabi ko agad ko ito sa aking Ama at Ina akala ko ay papagalitan nila ako hindi naman pala. Sinabi lang nila sa akin ay huwag daw lalampas sa limitasyon. Ang pangalan ng aking naging boy friend ay si Raymond Santiago Fourth year high school, school mate ko din siya kapag monthsary namin ay napunta siya sa aming bahay at may dalang regalo. Naranasan namin dalawa na lakadin ang Santa Veronica simula sa school kasama ko ang aking mga kaklase na sina Jedah,Jennifer,Bernard,Regine,Kimberly,Eldren at Dennis. Noong una akala namin ay hindi namin kakayanin maglakad ng ganun kalayo. Pero nung marating namin ang bahay nina Jedah hindi namin akalain na makakarating kami doon. Pagdating ko sa amin ay bagsak ako dahil sa pagod at sakit ng katawan.


Ako at ang aking Kuya
       Noong ako naman ay mag Third year ay nagkahiwa-hiwalay kami, gustuhin ko man lumipat ng section ay hindi na daw pwede. Nakilala ko sina Pute at Nicka at sila ang aking naging kasama pero nagkatampuhan kami. Nakilala ko dan sina Aljon,Allen,Deck,Neil,Edibon,Melvin,John Breddh,Jimboy,Eldren at Genesis at doon nabuo ang Tropang Matikal. Noong January 22, 2010 ay ayon na siguro ang pinakamalungkot na araw ng biglaang mamatay ang aking Ama, dahil sa sakit na Diabetes at Heart Attack. Isang Linggo siyang nasa ICU. Akala ko noon ay iniuwi na siya sa amin dahil ok na siya ayon pala ay gusto lang niya na umuwi kahit isang araw, at noong hapon ay itinakbo na siya sa Hospital at siya ay Commathose. Sinabi sa aking Ina na may dahilan daw si Lord kaya daw kinuha na siya. Kahit mahirap ay tinanggap ko na wala na siya, iniisip ko nalang na nag-ibang Bansa na siya at hindi na babalik.


Ako at ang aking Ate
        Noong ako ay Fourth year ay binansagan kami nina Janica at Anje na Tres-Maria's dahil lagi kaming magkakasama. ngunit nagkahiwa-hiwalay kami dahil sa hindi pagkakaunawaan. Doon naman nakabarkada ko sina Onang,Maui,Weiland at Camille. Noong August 16, 2010 ay naging boy friend ko si Allen, at naging happy kame. Naging boy friend naman ni Onang si Deck noong August 23, 2010, at si Ahra at Jerwin naman ay naging mag-on din. Noong September 23, 2010. Kami ang Couples na kahit nagkakaaway ay muli ulit nagkakaayos.

Talambuhay ni Jerome Reyes

                  Taong 1987 buwan ng Disyembre ipinanganak ni Nellie P. Reyes na asawa ni Romulo C. Reyes ang  kanilang unang anak na batang lalaki sa Tanaun, Batangas sa ganap na ika -isa na tanghali- kasikatan ng araw at pinangalanan na Jerome Reyes, na hango pa sa bibliya.
                                               Ako si Jerome Reyes

                  Tatlong buwan pa lang ako ng mapapunta sa pangangalaga ng akin minamahal na lolo na si Rolando Reyes, lola na si Natalia Reyes at mabait na tiyahin na si Myra Reyes, na naninirahan sa Brgy. Del Remedio San Pablo City.  Pinalaki ako ng aking lolo at lola ng maayos at tinuruan ng tamang asal.Naaala ko pa ang mga oras na  ikinukuwento sa akin ng aking tiya ang aking pagkabata. Nang inelegant ako ng tiya ko sa kuna ay binabasahan niya ako ng mga pangalan ng planeta at mga letra ng alpabeto. Bago ako matulog ay nagkukuwento siya ng mga kwentong pambata . Ang unang awit na itinuru sa akin ng aking tiya ay “Kundiman”. Bago ako matulog ay lagi akong pinana-iinom ng gatas upang hindi ako maging sakitin.

                  Ang unang Eskwelahan na aking pinasukan ay ang  Day Care Center sa pangangalaga ni Mrs. Teston noong ako’y apat na taong gulang at sa kinder sa Del. Remedio Parish School naman ako pumasok sa pangangalaga ni Mrs. Averion.
                   Taong 1995 ng ako’y magsimula sa elementarya sa San Pablo Central School edad na pitong taong gulang. Sa pagpasok ko sa elementarya, mas lalo kong natutong magbasa, magsulat, kumanta at sumayaw. Elementarya rin ako nung una ako magkaroon ng crush o paghanga sa aking kamag- aaral. Dito ko rin natutunan ang mga larong pangpalakasan tulad ng swimming, basketball at iba pang mga laro. Hanggang sa matapos ko ang elementarya ng taong 2000.
                                            Class picture ko nung elementary
                    Taong 2001 naman ako pumasok ng secondarya sa San Pablo City National High School na mas kilala sa tawag na City High. Sa pagpasok ko ng secondarya,
unti- unting lumalawak ang aking kaisipan sa mga bagay bagay at mas nakilala ko ang aking sarili. Secondarya rin ako ng mawala ang pagiging mahiyain  ko, dahil dun nagsimulang dumami ang aking kaibigan na minsan ay nagiging katulong ko sa pag-aaral at dahil doon naipasa ko ang unang taon ng aking secondarya.

                    Pangalawang taon ng aking secondarya, bagong makikilalang kamag- aaral, guro at kaibigan. Maraming masayang ala-ala din sakin dahil madami din akung naranasang magaganda at hindi magaganda. Simula palang noon ay matataray ang tingin ko sa mga guro ko pero nang mag tagal naman ay nakasundo ku naman silang lahat. Dito sa year kuna to kase dito kame nag florante at laura. Gumanap ako dito bilang isang mang aawit. Dun kulang nalaman na hindi pala madaling kumanta kase mahirap pala ito kung hindi ka sanay at talagang hindi ka nakanta. Gumanap namang ang mga kaklase ko bilang main character at mang bibigkas noon, napakasaya noon at natuto kaming gumanap bilang tunay na bida at kontrabida.
                                                  Mga Kaklase ko


                    Ikatlong taon na ng aking secondarya at  sa paglipas  ng panahon kasabay din nito ang pagbabago ng aking ugali. Nagsimula na din akong maging pasaway at natutong bumarkada. Dahil din sa impluwensya ng barkada dito na ako natutong lumiban sa klase ng paulit ulit. Dito rin ako nagsimulang matuto matuto ng mga bisyo tulad ng sigarilyo at paginum ng alak at naging sanhi ng pagtigil ko sa pagpasok sa iskwelahan. Di nagtagal ay nalaman ng aking mga magulang ko ang tungkol sa pagliban   ko sa pag-aaral at pagbibisyo ko at naging dahilan ng pagkagalit nila sa akin. Dahil doon naisipan ko ng huwag  ng pumasok at maghanap na lang
 ng trabaho. Makalipas ang ilang buwan ay nagmungkahi ang aking ama na ipasok ako sa kanyang pinagtatrabahuhan at sa kabutihan palad ay natanggap ako sa trabaho. 

                  Makalipas ang tatlong taon ay biglang nagsara ang pabrika na pinagtatrabahuhan naming mag-ama, may ilang buwan din kaming walang trabaho kya napagisipan  ko na pumasok ulit at sa tulong ng aking butihing tiyahin  at naipagpatuloy ko ang aking ikatlong taon sa secondarya sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon  Memorial National High School.
                                         Ang instromentong kinahihiligan ko  


                   Ang gitara ay ang aking hilig na instromento sa lahat. Natuto akong tumugtog nung ako ay 2nd year high school palamang, hindi ko akalain na ito ay magiging hilig kong gawin sa buhay. Dahil noon nga akoy nahumaling sa computer games. Natuto aq tumugtog dahil sa impluwensya na din nang mga barkada. At yun natuto naman ako. Ngaun sinusoportahan ako nang aking mga magulang  at mga kaibigan sa pag tugtog ko. At masaya naman ako dahil naiintindihan nila ang aking nakahiligan…
 
                  Nakilala si Jamil Lopez ang naging bestfriend ko sa Dizon High. Mag kaklase na kami mula nung 3rd year pa lamang nung  hindi ko pa siya masyado kinakausap dahil akala ko kapag mas matanda sakin ay masama ang mapupulot kung ugali sa kanya. Pero nung makilala ko siya nang husto ay nitong 4th  year  mag bestfriend na kami mag kasama kami sa kalokohan ay sa saya. Nang makilala niya ang mag papasaya sa kanya na si Leslie ay minsan na lng kame ngaun magkita. Si Jamil din ang naging daan para makilala ko ang babaeng nagpatibok ng aking puso ko at siya ay si April Cecille Ramirez. 
                                      Si April ang babaeng nagpatibok ng puso ko

               Si April ang naging inspirasyon ko at naging gabay para mapagbuti ko ang aking pag- aaral. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko kaya mahal na mahal  ko siya, at nangako ako sa kanya na kahit anung mangyari hinding hindi ko siya iiwan. Ilang araw din ang nagdaan ay nnakilala ko din ang dalawa niyang kaibigan na sina Ariane at May Ann na di nagtagal ay naging mabubuting kaibigan ko na rin. Palage silang masaya pero minsan malungkot din. Sila ay nursing students sa Laguna College na nakilala ko sila sa computer shop din. Dahil sila ay mahihilig din sa IDATE , kahit na hindi kame na nag kikita kita ngaun ay mahalaga sila saken dahil sila ang mabubuting kaibigan na dumating sa buhay ko at di ko sila ipagpapalit sa iba.
                                                          Section ko 4-G

               Nasa ikaapat na taon ako ng aking pagaaral, 4-G ang section ko at mahalaga ang section kong ito sa aking talambuhay dahil hindi ako makakatungtong nang 4th year kung wala ito. Ang section n 4-G  ay iba't ibang ugali  kadalasan maingay, magulo at puro kasalawan ang makikita mo pero ok lang para sa akin ang mahalga masaya at nageenjoy ang lahat at kahit ganun sila mabuti ang pakikitungo ng mga kaklase ko sa akin at itinuturing din nila ako na kuya kaya nagpapasalamat ako sa kanila. Sila din ang nahihingan ko ng tulong kapag my problema ako sa mga takdang aralin at iba pang mga kasanayan pinagagawa sa amin ng aming mga guro tulad ng aming adviser na si Mrs. De Ocampo. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng guro dahil tinuro  nila sa amin ang lahat ng kaalaman na kailangan naming malaman at matutuna na maari naming magamit sa  pagtungtong namin ng kolehiyo. Kaya sa kasalukuyan isa  ako sa mga magtatapos ng secondarya ngayong taong 2011..

    At ito ang storya ng aking buhay…