Huwebes, Pebrero 24, 2011

Talambuhay ni Jerome Reyes

                  Taong 1987 buwan ng Disyembre ipinanganak ni Nellie P. Reyes na asawa ni Romulo C. Reyes ang  kanilang unang anak na batang lalaki sa Tanaun, Batangas sa ganap na ika -isa na tanghali- kasikatan ng araw at pinangalanan na Jerome Reyes, na hango pa sa bibliya.
                                               Ako si Jerome Reyes

                  Tatlong buwan pa lang ako ng mapapunta sa pangangalaga ng akin minamahal na lolo na si Rolando Reyes, lola na si Natalia Reyes at mabait na tiyahin na si Myra Reyes, na naninirahan sa Brgy. Del Remedio San Pablo City.  Pinalaki ako ng aking lolo at lola ng maayos at tinuruan ng tamang asal.Naaala ko pa ang mga oras na  ikinukuwento sa akin ng aking tiya ang aking pagkabata. Nang inelegant ako ng tiya ko sa kuna ay binabasahan niya ako ng mga pangalan ng planeta at mga letra ng alpabeto. Bago ako matulog ay nagkukuwento siya ng mga kwentong pambata . Ang unang awit na itinuru sa akin ng aking tiya ay “Kundiman”. Bago ako matulog ay lagi akong pinana-iinom ng gatas upang hindi ako maging sakitin.

                  Ang unang Eskwelahan na aking pinasukan ay ang  Day Care Center sa pangangalaga ni Mrs. Teston noong ako’y apat na taong gulang at sa kinder sa Del. Remedio Parish School naman ako pumasok sa pangangalaga ni Mrs. Averion.
                   Taong 1995 ng ako’y magsimula sa elementarya sa San Pablo Central School edad na pitong taong gulang. Sa pagpasok ko sa elementarya, mas lalo kong natutong magbasa, magsulat, kumanta at sumayaw. Elementarya rin ako nung una ako magkaroon ng crush o paghanga sa aking kamag- aaral. Dito ko rin natutunan ang mga larong pangpalakasan tulad ng swimming, basketball at iba pang mga laro. Hanggang sa matapos ko ang elementarya ng taong 2000.
                                            Class picture ko nung elementary
                    Taong 2001 naman ako pumasok ng secondarya sa San Pablo City National High School na mas kilala sa tawag na City High. Sa pagpasok ko ng secondarya,
unti- unting lumalawak ang aking kaisipan sa mga bagay bagay at mas nakilala ko ang aking sarili. Secondarya rin ako ng mawala ang pagiging mahiyain  ko, dahil dun nagsimulang dumami ang aking kaibigan na minsan ay nagiging katulong ko sa pag-aaral at dahil doon naipasa ko ang unang taon ng aking secondarya.

                    Pangalawang taon ng aking secondarya, bagong makikilalang kamag- aaral, guro at kaibigan. Maraming masayang ala-ala din sakin dahil madami din akung naranasang magaganda at hindi magaganda. Simula palang noon ay matataray ang tingin ko sa mga guro ko pero nang mag tagal naman ay nakasundo ku naman silang lahat. Dito sa year kuna to kase dito kame nag florante at laura. Gumanap ako dito bilang isang mang aawit. Dun kulang nalaman na hindi pala madaling kumanta kase mahirap pala ito kung hindi ka sanay at talagang hindi ka nakanta. Gumanap namang ang mga kaklase ko bilang main character at mang bibigkas noon, napakasaya noon at natuto kaming gumanap bilang tunay na bida at kontrabida.
                                                  Mga Kaklase ko


                    Ikatlong taon na ng aking secondarya at  sa paglipas  ng panahon kasabay din nito ang pagbabago ng aking ugali. Nagsimula na din akong maging pasaway at natutong bumarkada. Dahil din sa impluwensya ng barkada dito na ako natutong lumiban sa klase ng paulit ulit. Dito rin ako nagsimulang matuto matuto ng mga bisyo tulad ng sigarilyo at paginum ng alak at naging sanhi ng pagtigil ko sa pagpasok sa iskwelahan. Di nagtagal ay nalaman ng aking mga magulang ko ang tungkol sa pagliban   ko sa pag-aaral at pagbibisyo ko at naging dahilan ng pagkagalit nila sa akin. Dahil doon naisipan ko ng huwag  ng pumasok at maghanap na lang
 ng trabaho. Makalipas ang ilang buwan ay nagmungkahi ang aking ama na ipasok ako sa kanyang pinagtatrabahuhan at sa kabutihan palad ay natanggap ako sa trabaho. 

                  Makalipas ang tatlong taon ay biglang nagsara ang pabrika na pinagtatrabahuhan naming mag-ama, may ilang buwan din kaming walang trabaho kya napagisipan  ko na pumasok ulit at sa tulong ng aking butihing tiyahin  at naipagpatuloy ko ang aking ikatlong taon sa secondarya sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon  Memorial National High School.
                                         Ang instromentong kinahihiligan ko  


                   Ang gitara ay ang aking hilig na instromento sa lahat. Natuto akong tumugtog nung ako ay 2nd year high school palamang, hindi ko akalain na ito ay magiging hilig kong gawin sa buhay. Dahil noon nga akoy nahumaling sa computer games. Natuto aq tumugtog dahil sa impluwensya na din nang mga barkada. At yun natuto naman ako. Ngaun sinusoportahan ako nang aking mga magulang  at mga kaibigan sa pag tugtog ko. At masaya naman ako dahil naiintindihan nila ang aking nakahiligan…
 
                  Nakilala si Jamil Lopez ang naging bestfriend ko sa Dizon High. Mag kaklase na kami mula nung 3rd year pa lamang nung  hindi ko pa siya masyado kinakausap dahil akala ko kapag mas matanda sakin ay masama ang mapupulot kung ugali sa kanya. Pero nung makilala ko siya nang husto ay nitong 4th  year  mag bestfriend na kami mag kasama kami sa kalokohan ay sa saya. Nang makilala niya ang mag papasaya sa kanya na si Leslie ay minsan na lng kame ngaun magkita. Si Jamil din ang naging daan para makilala ko ang babaeng nagpatibok ng aking puso ko at siya ay si April Cecille Ramirez. 
                                      Si April ang babaeng nagpatibok ng puso ko

               Si April ang naging inspirasyon ko at naging gabay para mapagbuti ko ang aking pag- aaral. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko kaya mahal na mahal  ko siya, at nangako ako sa kanya na kahit anung mangyari hinding hindi ko siya iiwan. Ilang araw din ang nagdaan ay nnakilala ko din ang dalawa niyang kaibigan na sina Ariane at May Ann na di nagtagal ay naging mabubuting kaibigan ko na rin. Palage silang masaya pero minsan malungkot din. Sila ay nursing students sa Laguna College na nakilala ko sila sa computer shop din. Dahil sila ay mahihilig din sa IDATE , kahit na hindi kame na nag kikita kita ngaun ay mahalaga sila saken dahil sila ang mabubuting kaibigan na dumating sa buhay ko at di ko sila ipagpapalit sa iba.
                                                          Section ko 4-G

               Nasa ikaapat na taon ako ng aking pagaaral, 4-G ang section ko at mahalaga ang section kong ito sa aking talambuhay dahil hindi ako makakatungtong nang 4th year kung wala ito. Ang section n 4-G  ay iba't ibang ugali  kadalasan maingay, magulo at puro kasalawan ang makikita mo pero ok lang para sa akin ang mahalga masaya at nageenjoy ang lahat at kahit ganun sila mabuti ang pakikitungo ng mga kaklase ko sa akin at itinuturing din nila ako na kuya kaya nagpapasalamat ako sa kanila. Sila din ang nahihingan ko ng tulong kapag my problema ako sa mga takdang aralin at iba pang mga kasanayan pinagagawa sa amin ng aming mga guro tulad ng aming adviser na si Mrs. De Ocampo. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng guro dahil tinuro  nila sa amin ang lahat ng kaalaman na kailangan naming malaman at matutuna na maari naming magamit sa  pagtungtong namin ng kolehiyo. Kaya sa kasalukuyan isa  ako sa mga magtatapos ng secondarya ngayong taong 2011..

    At ito ang storya ng aking buhay…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento