Nang ako ay nag elementary lagi kaming naglalaro ng mga kaklase ko. At ang hindi ko malilimutang araw ng ako'y nakapagtapos ng Elementarya. Naiyak ako dahil magkakalayo kami ng mga kaibigan ko at nong kami ay nag Highschool nagkalayo-layo na kami. hindi ko na sila nakita. Pero may mga bago akong kaibigan nang ako tumungtong ng 2nd year. Dito ko nakilala ang mga matalik kong kaibigan na sina. Rochelle, Lei Ann, Anicris, Riza joy, lagi kaming nagkakasundo kung saan ang galaan. At lagi din kaming masaya kapag kami magkakasama. Nagpatuloy ang aming pagkakaibigan ng kami ay nag 3rd year. Dito namin lubos nakilala ang isa't-isa dito rin namin nalaman ang mga ugali ng isa't-isa.
Nang nagbakasyon na doon lang kami hindi nagkakitaan. Dahil sila ay may kanya-kanyang pupuntahan sa bakasyon. Si Rochelle sa Quezon, si Lei Ann sa Bicol, Si Riza Joy sa bahay ng lola nya. at si Anicris naman don sa bahay ng tita nya. At ako nagbakasyon sa Davao kasama ko ang buong pamilya ko. Bumalik ako kung saan ako pinanganak. Nakilala ko ang aking mga pinsan at nakita ko rin ang aking lola at lolo sa side ng papa ko. Pinasyal nya ako sa kanilang bukid. Nakilala ko ang mga kaibigan ni papa mga kapatid nya at pinsan nya. Pinaghanda kami ng mga pagkain pinasyal din ako ng mga pinsan ko naligo din kami sa dagat. At ang hindi ko malilimutan na napuntahan don sa may bahay ng tiya ko. Malapit sila sa may bundok umakyat kami sa bundok. Nakita ko ang mga tanawin sa Davao napakaganda.
Hindi ko malilimutan ang pagbabakasyon namin doon at nasabi ko sa sarili ko na sana maulit muli ang pagbabakasyon namin doon. Nong kami ay paalis na malungkot talaga ako umiyak ang lola ko at di ko na pigilang umiyak dahil kahit sandali lang kaming magkasama namimis ko sila. Bumalik ulit kami dito sa Laguna. Endrolment nun. At doon namin nalaman na hindi na kami magkakaklase muli ng mga kaibigan ko.
At noong nagpasukan na nanibago ako dahil nasanay ako na kaming lima ang mag-kakasama pero kami na lang ni Rochelle ang magkasama ngayon. Pero kahit hindi kami mag-kakaklase lagi parin kaming magkakayaan kung saan ang trip. namin. At ngayon matatapos na kami sa pagiging Highschool namin. Panibagong yugto naman ng buhay namin panibagong tao ang makakasalamuha panibagong lugar na naman ang pupuntahan pero ang masasayang kwento at magagandang alaala ay hindi ko malilumtman.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento